Monday, April 7, 2008

Hataw!

Naalala niyo pa ba ang Universal Motion Dancers at Streetboys?

Sobrang malaking bahagi ng kabataan ko ang dalawang dance group na ‘to. Sobrang dream ko talaga nun ang maging dancer. At hindi lang basta dancer, gusto kong maging founder ng all-female dance group na magiging kasing sikat ng dalawang eto.

Sino ba mas favorite ko sa kanila? Kung gusto kong magpa-cool, syempre Streetboys. At bakit naman hindi? Pangarap ko kaya na matutunan yung mga stunts nila! At medyo mas mahirap ang steps nila kumpara sa UMD na mahilig sa 8 counts at medyo literal na sayaw (although, technically, Maneouvers ang mas may mahihirap na steps, nagkataon lang na halos kalahati ng mga sayaw ng Streetboys puro stunts.). But of course, UMD started it all! Malamang sa hindi, kapag nadinig niyo ang song na Stars kahit hindi niyo alam ang buong steps sa kanta eh alam na alam niyo ang gagawin when it goes, “I hope you comprehend!”

Kaya sa mga katulad kong lumaki na pilit ginagaya ang mga steps ng UMD at Streetboys, eto ang isang magandang showdown na nakita ko sa Youtube. Sayang at merong mga sayaw na hindi nasama dito – sa UMD, ang How Gee, Oh Carol, at ang da best sa lahat, Do The Rave Stomp! Sa Streetboys naman, na-excite ako na nakasama ang Friends at The Bomb, pero mas maganda siguro kung kasali din ang Selfish at The Sign.


This vid brought so much good memories of my last days in elementary school, a better part of my high school life and medyo konting college life na din. See that step in The Bomb? I have a classmate in high school who looks really ridiculous dancing it! Kasi naman ginagawang sexy yung kembot eh hindi naman dapat ganon! Pati yung step na ginagawa ni Spencer na may flick yung kamay (di ko ma-explain! It’s around the 4:04 mark!), reminiscent ng sayaw ni Michael Jackson at lagi naming sinasayaw nina Eddy at Roby! And speaking of Eddy, kapag siya na ang nagsayaw ng It’s A Beautiful Life, lumayo ka na, kasi halos sakupin niya ang floor kapag sinasayaw na yung “it’s a beautiful life, oh oh oh, it’s a beautiful life...”. Hay, good memories!

No comments: