Gusto kong magka-crush para meron akong i-stalk sa friendster at facebook, tapos iga-grab ko pictures niya sa multiply, at maga-update ako sa twitter ng “Nakita ko si crushie!”. Tapos tatawanan ko ang sarili ko at sasabihin: “Syet, ang pathetic ko!”
Gusto kong magka-bf para ma-update ko ang status ko sa friendster at facebook, tapos maga-upload ng swit-switang pictures sa multiply, at maga-update sa twitter ng “Have a date tonight with my bf! :)”. Tapos tatawanan ko ang sarili ko at sasabihin: “Syet, ang pathetic ko!”
Gusto kong awayin si bf para ang shout out ko sa friendster at facebook ay “Sorry, baby, I never meant to hurt you…:(”, tapos magsi-send ng pm si bf para makipagbati, at maga-update ako uli ng friendster at facebook shoutout pati ang twitter ko ng: “Glad we’re okay. Love you baby!!!:o”. Tapos tatawanan ko ang sarili ko at sasabihin: “Syet, ang pathetic ko!”
Gusto kong makipag-break si bf for good para ma-update ko ang status ko sa friendster at facebook at biglang mag-reply ang mga friends kong 20 years kong hindi kinausap ng “OMG what happened? Hope you’re okay…”. Araw araw kong ia-update ang twitter account ko para malaman ng buong mundo kung aling stages of grief na ang dinaanan ko. Gagawa ako ng blog at ipo-post ko lahat ng lyrics ng mga break up songs na naka-relate ako. Ide-delete ko lahat ng pictures na inupload ko sa multiply. Ide-defriend ko ang ex ko sa friendster, facebook, multiply, etc., etc. at iiwasan siya na para bang hindi siya naging bahagi ng buhay ko. Maghahanap ako ng bagong crush na ii-stalk sa friendster at facebook at makakalimutan ko na ang ex ko. Tapos tatawanan ko ang sarili ko at sasabihin: “Syet, ang pathetic ko!”
Ang pathetic ko pala kapag in love. Kailan kaya ako magiging pathetic?
Note:
Sorry for the really, really bad Tagalog! I was having a good laugh with this line of thought and decided to post this unedited. :D
No comments:
Post a Comment