Naliligo ako ng bigla kong marinig sa mommy ko na may sumabog daw sa Glorietta. Paglabas ko ng banyo, sinabi agad niya sa akin na buti na lang hindi ako nagpunta ngayon sa Glorietta (galing kasi ako ng Glorietta two days ago).
Pag-akyat ko sa room ko, meron na agad akong 2 miscall at 2 text tungkol sa pagsabog at nagtatanong kung nasaan ako. Ako naman, dahil masyadong self-absorbed, naisip ko agad: "Do I give off a vibe that I'm a Glorietta junkie?!" at masyadong concern ang mga tao-tao na baka nasa scene ako?
And then I got a very big dose of reality ng makita ko sa TV yung extent ng nangyari. Sobrang nakakatakot. Sobrang nakakalumo dahil andaming nadamay. At sobra akong nagagalit sa kung sino man ang may pasimuno ng aksidente...
At na-guilty ako kasi nauna na naman ang "me" mentality ko. Hindi ko inakala... And then my cynical side kicked in, doubting whether it was just an accident and thinking that it was really an act of terrorism; thinking that this is one of those "wag the dog" scenario; and even as I try to say a prayer for the victims and for the speedy resolution of the accident, a big part of me doubt whether any justice would be served.
How did our world become such a dangerous place to live in?
No comments:
Post a Comment