Feeling ko maloloka na naman ako. Andami ko daw kasi pinoproblema. Pati problema ng ibang tao iniisip ko.
Pero hindi naman basta problema ng ibang tao yun. Problema ng mga kapamilya at kaibigan ko yun. Oo iniisip ko ding huwag na lang isipin kasi may sarili din naman akong mga inaalala, pero pwede ba yun? Ba’t ko pa tinawag ang sarili ko na kapatid o anak o kaibigan kung wala din naman akong pakialam?
Sabi nga nila, hindi naman nawawala ang problema. Nasa tao na lang kung paano niya dadalhin yun. At merong mga problema na kahit alam mong kakayanin mo din naman eh kailangan mo pa rin ang tulong ng iba. Di bale na sigurong maloka ako sa dami ng problema, kahit hindi naman lahat eh sa akin. Ang gusto ko lang ay makatulong kahit paano. Gaya ng kung paano din akong natulungan nung ako naman ang maloka-loka sa king dinadala.
No comments:
Post a Comment