Tuesday, November 6, 2007

High School's The Best!

I got this survey from a posting in Friendster's bulletin board. I enjoyed answering it because it reminded me kung gano ako kagulo nung high school! Definitely one of the best part of my life!

Look back at your high school life.
Lagyan ng 'x' sa gitna ng [ ] kapag ito ay naaangkop sa iyo!

[ ] Nagcutting ka na? (NUNG HIGH SCHOOL HINDI KASI ANG GALING MAGBANTAY NG MGA GUARDS AT KELANGAN NG PRINCIPAL'S PERMIT PARA LANG MAKALABAS NG BUILDING. NUNG COLLEGE, HINDI NA MAHIGPIT KAYA NAKAPAG-CUTTING AKO)

[x] Ginagawang basketball/ volleyball/ kahit anong court ang classroom niyo. (GINAGAWA DING PRAKTISAN NG INTERMISSION NUMBERS AT CHEERING)

[x] Palabas-labas ka ng room kapag nababagot. (LALO NA PAG IW - AT LALO NA NUNG 4TH YEAR DAHIL MALAPIT LANG SA DOOR ANG SEAT KO. TAMBAY SA LIBRARY PARA MAGBASA NG POCKETBOOK O PATAYAIN SA ENDING ANG HEAD LIBRARIAN)

[x] Sumisigaw ka at ginagawang playground ang room kapag walang teacher.

[x] Hindi ka nakikinig sa mga sermon ng mga guro at madalas ay nakikipag-sign language ka pa sa classmate mo. (SIGN LANGUAGE ALSO APPLICABLE BELOW)

[x] Nangongopya ka o nagpapakopya ka kahit short quiz lamang.

[ ] Nahuli ka na pero hindi ka pa rin tumitigil sa pangongopya. (GALING MAGTAGO!)

[ ] Tinataasan mo ng boses ang iyong titser.

[ ] Nakikinig ka sa iPod/MP3/walkman/radio mo habang naglelesson ang iyong titser. (NEVER NAMAN KAMING NAKINIG HABANG NAGTUTURO, PERO NANGHIHIRAM PA KAMI NG CASSETTE PLAYER SA OFFICE KAHIT HINDI NAMAN KAILANGAN PARA LANG MAKINIG SA COUNTDOWN NI TRIGGERMAN) (BUHAY PA BA SI TRIGGERMAN?)

[x] Nandoktor ka na ng mga test paper. (DI KO SURE KUNG HIGH SCHOOL O COLLEGE PERO NUNG NAG-EXCHANGE PAPERS PARA I-CHECK, MERON AKONG SINAGUTAN NA TEST PAPER NG CLASSMATE KO. NAKIPAGPALITAN NA DIN AKO NG TEST PAPER DURING A QUIZ)

[x] Pinagtatawanan mo ang teacher mo at kahit anong simpleng bagay na mapapansin mo sa classroom.

[x] Nagsusulatan kayo ng mga kaklase mo habang nagtuturo ang inyongguro. (NATAGO KO PA YUNG IBANG EBIDENSYA NG PAGSUSULATAN!)

[ ] Kapag umalis ang inyong guro ay tinitingnan mo ang kanyang lessonplan.

[x] Kumakain ka habang nagtuturo ang inyong guro.

[x] Nagtetext ka habang nagtuturo ang inyong guro. (DI PA USO TEXT NUN, PERO MADAMI PWEDENG GAWIN HABANG NAGTUTURO ANG TITSER. HALIMBAWA NA LANG ANG MAGBASA NG POCKETBOOK, O MANGOPYA SA CLASSMATE NG ACTIVITY NA DUE SA NEXT PERIOD, O KOPYAHIN ANG MGA ACTIVITIES NA NINENOK SA ACTIVITY BOARD NA PINAGKAAYOS AYOS ANG PRESENTATION, MAGSULAT NG LYRICS NG KANTA SA BINDER O SA LIKOD NG BOOK, DALDALIN ANG SEATMATE, ISULAT ANG PANGALAN NG CRUSH SA BINDER O SA KAHIT ANONG PAPEL, PRAKTISIN PUMIRMA NG PANGALAN KASAMA ANG APELYIDO NG CRUSH, KULITIN ANG TITSER NA MAG-IW NA LANG KESA MAG-ENCOUNTER, AT MARAMI PANG IBA)

[ ] Tumatayo ka sa klase kahit hindi ka sinasabihang tumayo.

[x] Nagsusulat ka sa whiteboard kahit bawal at wala ang teacher mo.

[ ] Kapag walang kwenta ang subject at ang teacher, sadyang masarap matulog. (HINDI PA KO NAKATULOG SA CLASSROOM, PERO NAKATULOG AKO SA ISANG RECOLLECTION!)

[ ] Idinodrowing mo sa notebook mo kung ano ang itsura ng titser mo kapag galit.

[x] Dinadaldal mo ang mga tahimik sa room para tuluyan nang umingay ang klase. (DINALDAL KO ATA LAHAT NG NAGING KATABI KO)

[x] Dinodrawing mo itsura ng titser mo kapag cartoons itsura nya.

No comments: