Sunday, December 9, 2007

Move On!

Top Ten Signs Na Hindi Ka Pa Naka-Move On:


10. Kapag ang ATM PIN mo ay ang dating anniversary niyo, hindi ka pa naka-move on.

9. Kapag ang ATM PIN mo ay ang birthday niya, hindi ka pa naka-move on.

8. Kapag ang ATM PIN mo ay ang birthday ng nanay niya, hindi ka pa naka-move on.

7. Kapag ang ATM PIN mo ay ang age ninyo nung naging kayo, hindi ka pa naka-move on.

6. Kapag ang ATM PIN mo ay ang last 2 digits ng student ID niyong dalawa, hindi ka pa naka-move on.

5. Kapag ang ATM PIN mo ay ang grades niya sa English at Math nung 1st grading nung 4th year high school siya, hindi ka pa naka-move on.

4. Kapag ang ATM PIN mo ay ang number ng ticket sa MYMP concert na pinanood niyo nung huling anniversary niyo, hindi ka pa naka-move on.

3. Kapag ang ATM PIN mo ay ang number ng ticket sa bus na sinakyan niyo nung nag-cutting classes kayo at pumunta ng Glorietta, hindi ka pa naka-move on.

2. Kapag ang ATM PIN mo ay ang ISBN ng favorite book ng ex mo, hindi ka pa naka-move on.



At ang Top Sign na hindi ka pa nakaka-move on:





1. Kapag ang ATM PIN mo ay ang combined numbers ng kanyang height, waist size at shoe size, mag-isip ka na. Palagay ko, hindi ka na makaka-move on.

No comments: