Boss: Who wants a banana? (gives the banana)
Me: (after the boss leaves) Wala bang kamote?
Officemate 1: Huh? Anlayo naman nung kamote sa saging!
Me: Pano naman naging malayo?
Officemate 1: Eh kasi yung inoffer niya prutas, eh yung kamote gulay.
Me: Ano ba? Me Banana que! At meron ding kamote que! Ang gusto ko kamote que!
Officemate 1: Hindi naman banana que binigay niya! Hinog na saging!
Me: Okay…
Me: Pero hindi ba prutas ang kamote? So comparable ang saging at kamote...
Officemate 2: At pano naman naging prutas ang kamote?!
Me: Eh hindi naman siya strictly gulay di ba? Hindi ba tuber ang classification ng kamote?Officemate 2: Root crop ba ang kamote? Parang patatas?
Officemate 1: Oo.
Me: Ano ba ang difference ng fruit sa vegetable?
Officemate 2: Hay naku tigilan na! Ang hilig mo sa mga intelligent questions! Ang hirap magisip!
Me: Paano naman naging intelligent yung tanong ko?!
No comments:
Post a Comment