wala daw fete de la musique this year. syet.
antagal ko pa man ding inabangan 'to!!!
kung kelan naman meron na 'kong chuck taylor. rakistang rakista na ang porma ko ngayon. hahaha.
sino ba naman kasi ang mag-aakala na mahilig ako sa banda?! noong Biyernes nga nasa Red Box ako kasama ang mga officemates ni Ketz, gulat na gulat sila kasi puro rock ang kinakanta ko. (ikaw ba naman ang bumanat ng Black ng Pearl Jam?) (pero isipin mo, sino ba namang hardcore rocker ang nagvi-videoke?! kunsabagay, hindi ko naman sinasabi na hardcore ako, basta mahilig lang akong makinig ng rock songs). may nagtanong pa - babae ba talaga ko? hay naku girl, babaeng babae po!!!
teka, mabalik tayo sa fete na 'yan. kakainis talaga. sobrang enjoy ako dito nung nakaraang taon. kahit na madaming uruk-hais. at sigurado ako, madami ding banda ang hindi natuwa sa balita na 'to. isang magandang oportunidad para sa mga bagong banda ang tumugtog sa fete. at ang event tulad ng fete de la musique 'di hamak naman na mas may kredibilidad kesa kung ano anong awards ek-ek ang nagsulputan ngayon. (*ubo*myx music awards*ubo*)
sana next year may fete uli.
No comments:
Post a Comment